Aktres Mas-plastic pa sa Tupperware at Orocan!

October 12, 2008 by Pinoy Big Blogger  Stumble it!

Aktres Mas-plastic pa sa Tupperware at Orocan!

Nito lang nakaraang linggo ay may binisita ang inyong bubuwit sa isang ospital. Isang kilalang ospital sa Parteng Timog ng Kalakhang Maynila.
Habang naglilibot libot sa nasabing ospital, may nakasalubong ang inyong bubuwit na isang nurse na kachikahan pa nung nasa kolehiyo na itatago na lang natin sa pangalang Marlin.
Marami siyang nai-share na kaisyuhan sa ospital patungkol sa “mga” opo “MGA” artistang nagpapaconfine at nacoconfine doon. Ganoon kasikat ang ospital na iyon. Nabanggit nya ang isang malaking angkan ng artista/politiko na nadadalas doon maski lagnat lang ng “mga” anak ay pa-ospital agad.
Nakuha nya ang aking atensyon ng mabanggit nya rin ang isang sikat na aktres na nanganak at nagpacaesarian section at doon na-confine. Hindi naman tago ang panganganak na ito, hindi pa naman iyon ang tsismis noh. Nalaman lang po ng inyong bubuwit kung gaano din pala ka-gaspang, ka-plastic ng aktres na ito. Mabait siya kung papanoorin, kung kausapin ang ibang kasamahan artista ay para bang kapatid na ang turing ngunit ang totoo pala, sobrang mapang-mata, palataray at PLASTIC!

Ayon sa kachika, nung maconfine ang aktres dahil sa nasabing panganganak may bitbit na sariling nurse. Ipaaabot na lang ng mga naka-tokang nurse ng ospital sa personal nurse ng aktress kaya hanggang doon lang sila sa pintuan ng kwarto ng aktres. Marami din sa kanyang mga fans ang nakabalita na nandun siya at pinuntahan umaasang magpaunlak man lang maski pagpapaautograph ngunit ika nga ng isang kasamahan nurse… kung kami nga sa pinto lang kayo pa!
May isang pagkakataon daw na may bumisitang kaututang dila ng kanyang asawa ang bumisita sa kanya. Naabutan ito ng ating kachika na palabas pa lang sa kwarto ng aktres at naririnig ang pagpapa-alaman ng dalawa. “Sige, I’ll pray for your immediate recovery!” sabi ng bisita. Aktres: “awe Maraming Salamat nakaka-touch ka talaga” pagkalayo-layo lang ng bisita sa aisle ng naturang floor. Nadinigan ang aktres na sinabing: Sinabi nang ayoko muna magpa-istorbo, mahapdi pa ang tahi ko! Sabihan nyo nga sa desk (information) na wala munang bisita! Dyusko!

Marami pa raw sinasabi / sinisigaw ang aktres pero pasarado na ang pinto hindi na nadinigan ng ating ka-chika. (Akala ko ba masakit pa ang tahi, bat mataas ang boses nya?) Hay naku, madalas pa naman panoorin yan ng mga tao dito sa bahay malaman-laman mo napaka-plastic at isa pang magaspang ang ugali.

Cynthia? (sino ciya?) Well bago pa man lang malaman ang kanyang napakaPlastic na ugali, itinuturing ko nang kapatid ang aktres na ito! Clue pa? Hay naku mainit ang ulo ko sa susunod na lang kailangan ko pa mag-Shower!

P.S.

De tabo nga lang pala ako… tabong orocan!

with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add to Google Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:
  • No Related Post
Your Ad Here

Comments

6 Responses to “Aktres Mas-plastic pa sa Tupperware at Orocan!”

  1. Rick on October 15th, 2008 9:36 am

    JUSKO! sino na naman yan! hahaha

  2. Pinoy Big Blogger on October 15th, 2008 8:49 pm

    @rick - hahaha, sbihin ko sau pero wag dito, magugulat ka kung sino siya!

  3. april on October 31st, 2008 7:23 pm

    eh dapat naman pala talagang hini papasukin sa room yun nurse na kachika mo…..nun hindi nga nakapasok, nagchichismis na, what more kung may access sya sa room….eh di andami na nya nai chismis. haaaay, pinoy nga naman, hilig sa chismis.

  4. Madz Hermosa on October 31st, 2008 8:37 pm

    oonga naman, napakahilig sa tsismis, tse!
    btw april… what brought you here? political news?
    hahahahahahaha

  5. jo on November 6th, 2008 9:48 am

    sharon cuneta at Asian hospital, doon ipinanganak si miel.

  6. rj on November 18th, 2008 2:24 pm

    cnu tu..??????

Sign up at gravatar! to post your avatar! Please read the Terms of Use before posting a comment, to avoid comment deletion.





Please note: Use of a non-personal web site or blog in the field below and/or comments that are off-topic, personal attacks, or support requests will likely be removed at my discretion. By commenting here you grant me a perpetual license to reproduce your words and submitted name/web site in attribution.