Kelot singer Mabango ang Future!

November 12, 2008

Naging mabaho nga ba ang takbo ng kanyang buhay nya noon at napapabalitang kumakapit sa isang kilalang mayamang bakla ang reality TV contest winner?

Kaya pala madalas ko ito makita sa isang hindi masyadong sikat na TV show sa kabilang istasyon (oo, nag-oober da bakod ito para mag-guesting) Itatago na lang natin at tatawagin ang show na “Mga Addict!”. Una’y inakala ng inyong bubuwit na isa siguro sa mga nagpapalakad ng “Mga Addict” ay malapit na kaibigan o kamag-anak. Kaya’t nagimbestiga pa ng malalim upang malaman kung ano nga ba ang nasa likod ng binata at palagi ko na lang nakikita ang kelot sa show na nabanggit. Hanggang isang araw ay may nagtiktik din sa akin galing sa show na iyon na “ALAGA” siya ng isang bading. Itago na lang natin ang bading sa pangalang “Apektado”. Mayamang-mayamang bading. 3-M ika nga. May mansyon, may business at Mabango daw (hahaha).

Imbis na magkaroon ng dagdag na kaalaman tungkol sa kelot na kapit pabango… este kapit sa anuman, eh mastuon ang impormasyon tungkol kay “Apektado” na nag-aalaga sa kanya. Maluho ang naturang binata, kaya naman lahat ay sunod lang sa layaw si “Apektado”. Di daw magdodoble ng suot ang binata dahil bulto-bulto ng damit kung ito’y bumili este bilhan.

Tinawag nating “Apektado” dahil nga sa sobrang luho ng kanyang alaga ay naapektuhan na ang kanyang business at sariling bahay.

Saan pa kukuha ang di naman masyadong sikat na singer para magbayad ng isang bagong bagong bongang bongang mabangong mabangong bahay? Eh di san pa? Maraming salamat Apektado! Masmadalas ko pang makita ang komedyanang si kitkat sa TV kaysa sa kanya pero masmukhang mas-wealthy pa ang kelot kaysa sa kanya.

Sino ang kelot at sino si Apektado? Manyaman at mabanglu ang buhay ng kelot singer na ito ngayon kahit na hindi siya mapasikat ng husto ng kanyang mother network dahil palagi namang sponsor ang business ng kanyang mamamudra. Yun na lang dahil kung hindi nyo pa alam ay siguradong uupo kayo sa Row four katabi ang pagpagan ng eraser.

Ang Lalaki sa likod ng pintuan… ng CR!

October 25, 2008

Aba, aba, aba. Kakatapos lang ng mga tsismis tungkol sa kelots na ito, gumagawa na naman ng milagro. Kaya pala asar na asar ang mga handlers at ang manager ng dating ka-love team nya dahil ladlad daw talaga ang hunk na ito.

Nito lang dumaang linggo ay may ilang nakatsukahan ang inyong bubuwit na bumubuhay na naman ng intriga sa naturang kelot. “Grabe, parang ako pa ang nahiya nang makita ko ang ginagawa nila. Nakaka-trauma pala makakita ng ganun. Di ako sanay” Wika ng isang source, isang napakaganda at kikay na bebot na itatago na lang natin sa namesung na “Miss Bangs” nang makitang naghahalikan ang aktor at isang di nakilalang lalaki. Hahaha. Oo at hindi iyon isang eksena sa shooting ng pelikula kundi nangyari sa totoong buhay. “Wala naman akong paki-alam na kung anong milagrong gawin nila pero sana marunong silang mag-lock ng pinto, o kaya magmotel na lang.” nasambit nya nang mahuli ang dalawa sa likod ng CR at say mo CR ng babae, F na F! (ay naku Miss Bangs, walang atang motel dyan sa probinsya na yan!!!) Oops nakalimutan ko bang banggitin na nangyari ito sa isang probinsya.

Isa pang hiwalay na insidente na nai-tsika ng isa ring napakagandang bebot na source na itatago na lang natin sa namesung na “Palmolive”. Hiwalay na insidente pero nangyari din sa CR. sa CR ng isang sikat na Bar! Isang bar na punong-puno ng kwento at milagro! Naikwento nito ang nangdatnan ng kanyang boss ang nagpawala ng kanyang antok at hilo. “Alam ko lasing na ako pero, sigurado ako na siya yun (aktor) … at kung ano ginagawa nila” Kaya pala yun kaagad ang tinatanong ng ating source kung totoong bakla ba si (namesung ng aktor), siguro’y nag-aalangan parin sa confession ng kanyang boss. Hayaan mo Palmolive, malamang nagsasabi ng totoo ang boss mo! Hahaha.

Saang probinsya ba nangyari yun? Pasensya na baka sipain ako kabayo pabalik ng Manila pag bumisita ako dun. Saan nga ba ang sikat na bar na ito? Ay naku basta ang alam ko dapat lahat ng pumupunta dito ay asul ang plaka (madali na yan ha). At sino naman ang aktor de ladlad na laging nahuhuli sa likod ng pinto ng CR? Wala nang clue, upo na lang kayo sa row four sa tabi ng basurahang mabaho kung di nyo pa kilala yan. Pasalamatan na lang natin ang ating mga sources para sa katsikahan na ito.

Aktres at Manager Talo pa si Commander Bravo kung makapagtago!

October 20, 2008

Sinetch ang pabulosang aktres ang todo ang tago ngayon sa mga pinagkakautangan nya? Palagay ko’y may sapantaha na kayo kung sino siya.

Pero malamang ang hindi ninyo alam na pati ang manager ay nakikiduldol na rin sa paghiram ng anju.
Dahil sa kasikatan ng aktres, marami itong fans na nai-istar-istrak pa kapag nakakausap nila. At marami parin na fans ang nakikidamay sa kinasasadlakan ng naturang aktres, kaya pagnangutang ang aktres, kung pahiramin na lang ito ay animo’y dikit bituka sila matagal na.

Ang matindi nito, maski ang kanyang manager ay nakikisawsaw sa loan-to-the-max ng sikat na aktres. Minsan pinangpropronta na lang ang pangalan ng aktres para lang makautang ito.
Ang problema, sa makailang beses na lumipat ang aktres kasama ang manager, hindi na raw matunton ng mga pinagkakautangan ang aktres at manager.

Ika ng isang inutangan ng aktres, buti pa raw si commander Bravo nalalaman ng militar kung nasaan. Sa sitwasyon nitong dalawa, masilayan mo lang saglit swerte mo na dahil nagtatago daw ang mga ito pag dumadating ang mga kawawang nagpautang.

Sino naman ang aktres at manager tandem na talo pa si Commander Bravo kung magtago?
Itago na lang natin sa namesung na Amanda Nolasco ang aktres at ang manager bigyan na lang natin ng clue na “It’s Yours”.

Kelot nangati, nagparamdam, nagpakamot nadedma!

October 15, 2008

NSFW (not safe for work)

[upang lubos na maintindihan ang baklabolaryo sa artikulo tumungo sa mousepotato]
Isang bagitong aktor na sikat ang nagparamdam ng “ano” kay sexy star. Ayon sa kwento ng ating bubuwit, naging usap-usapan ito sa loob ng network na kinabibilangan ng dalawa. Marami na ring napapabalita na nililigawan ng aktor sa loob ng network pero hindi pa man lang nagniningas ay humuhupa din
ito kapag napapag-usapan na… hmm bakit kaya?

Marami ding paligid-ligid sa sexy star pero ika nga sa kanyang mga interbyu, why not? opo, lahat ng i-link sa kanya ganito ang kanyang kasagutan, mistulang nang-aakit pa o nangungutya na “bakit hindi nya ituloy”. as in Why not???

Nalaman ng ating bubuwit na Catherine d Great ang kelot kaya niyaya nyang pumunta sa kanyang karu. Sa loob siya nagpahayag ng nararamdaman ang kelots na siya namang ikinaloka ng aktres. Diumanoy, init na init na ang umbaw sa bebels. Inalok pa daw ng andalily ang bebels, pero di nya natanso ang aktres.
Ani ni aktres “Di ko akalain ganun siya”, ahahahaha. Kawawa naman, kala nya ay may kakamot na sa kanyang Tower Records pero mukhang napunta lang sa pagBIOGESIC. ahahahaha.

Sinetch ang bebels na niyaya at nandedma? Clue: Mapokish pero pag espluk na ang lason, dyosme stop me stop me (tigilan mo ako!)! Maka-split na nga!
Sinetch ang kelot, o sige maski isang beses lang sabihin na natin kung sino, wala nang clue clue at wala nang chenelu… handa na? Siya ay si…


ayyyyy Shutang shinamis NAKAWALA ang kelot!
Pasensya na masyadong mabilis ang pangyayari…

Hanggang sa susunod na pangangati!

Aktres Mas-plastic pa sa Tupperware at Orocan!

October 12, 2008

Nito lang nakaraang linggo ay may binisita ang inyong bubuwit sa isang ospital. Isang kilalang ospital sa Parteng Timog ng Kalakhang Maynila.
Habang naglilibot libot sa nasabing ospital, may nakasalubong ang inyong bubuwit na isang nurse na kachikahan pa nung nasa kolehiyo na itatago na lang natin sa pangalang Marlin.
Marami siyang nai-share na kaisyuhan sa ospital patungkol sa “mga” opo “MGA” artistang nagpapaconfine at nacoconfine doon. Ganoon kasikat ang ospital na iyon. Nabanggit nya ang isang malaking angkan ng artista/politiko na nadadalas doon maski lagnat lang ng “mga” anak ay pa-ospital agad.
Nakuha nya ang aking atensyon ng mabanggit nya rin ang isang sikat na aktres na nanganak at nagpacaesarian section at doon na-confine. Hindi naman tago ang panganganak na ito, hindi pa naman iyon ang tsismis noh. Nalaman lang po ng inyong bubuwit kung gaano din pala ka-gaspang, ka-plastic ng aktres na ito. Mabait siya kung papanoorin, kung kausapin ang ibang kasamahan artista ay para bang kapatid na ang turing ngunit ang totoo pala, sobrang mapang-mata, palataray at PLASTIC!

Ayon sa kachika, nung maconfine ang aktres dahil sa nasabing panganganak may bitbit na sariling nurse. Ipaaabot na lang ng mga naka-tokang nurse ng ospital sa personal nurse ng aktress kaya hanggang doon lang sila sa pintuan ng kwarto ng aktres. Marami din sa kanyang mga fans ang nakabalita na nandun siya at pinuntahan umaasang magpaunlak man lang maski pagpapaautograph ngunit ika nga ng isang kasamahan nurse… kung kami nga sa pinto lang kayo pa!
May isang pagkakataon daw na may bumisitang kaututang dila ng kanyang asawa ang bumisita sa kanya. Naabutan ito ng ating kachika na palabas pa lang sa kwarto ng aktres at naririnig ang pagpapa-alaman ng dalawa. “Sige, I’ll pray for your immediate recovery!” sabi ng bisita. Aktres: “awe Maraming Salamat nakaka-touch ka talaga” pagkalayo-layo lang ng bisita sa aisle ng naturang floor. Nadinigan ang aktres na sinabing: Sinabi nang ayoko muna magpa-istorbo, mahapdi pa ang tahi ko! Sabihan nyo nga sa desk (information) na wala munang bisita! Dyusko!

Marami pa raw sinasabi / sinisigaw ang aktres pero pasarado na ang pinto hindi na nadinigan ng ating ka-chika. (Akala ko ba masakit pa ang tahi, bat mataas ang boses nya?) Hay naku, madalas pa naman panoorin yan ng mga tao dito sa bahay malaman-laman mo napaka-plastic at isa pang magaspang ang ugali.

Cynthia? (sino ciya?) Well bago pa man lang malaman ang kanyang napakaPlastic na ugali, itinuturing ko nang kapatid ang aktres na ito! Clue pa? Hay naku mainit ang ulo ko sa susunod na lang kailangan ko pa mag-Shower!

P.S.

De tabo nga lang pala ako… tabong orocan!

“F” na “F” ng Aktres, “F” lang pala

October 7, 2008

Isang aktres ang napapabalitang “F” na “F” (feel na feel) nya ang feeling nyang nagpapa-cute na aktor sa kanya. Madalas daw siyang sabayan magshopping sa Shang… este sa isang kilalang Mall. Ok naman daw sana kung may mga press na nakakakita, sambit ng aktres sa isang malapit na kaibigan, para maging issue. Pampasikat kumbaga.

Ang problema, ang “F” na “F” ng aktress na “F” nya na may “F” sa kanya ang aktor ay isa palang ka”H”, o kahibangan. Sadyang mabait lang talaga at palakwento ang aktor kaya naman ang aktres na palakwento din ay madalas nitong sabayan. Nakumpirma ito nang maharang siya ng ating bubuwit at tanungin kung ano ang nararamdaman nya para sa aktres. Tumawa lang pero medyo halatang lito at pinaulit ulit ang katanungan. Sino? (binanggit ng bubuwit ang name ng “F” na “F” na aktres) at sinagot lang siya ng aktor ng isang malakas na “H” halakhak, sabay tanong “Bakit? Anong rason?”

“…dahil crush mo daw siya?” Banggit ng bubuwit sa aktor.

“Talaga? Sinong may sabi?” tanong pabalik ng aktor. “Sinabi sakin ng malapit na kaibigan ni “F” na “F” na aktres” binalik ng ating bubuwit.

“Pakisabi na lang kay “F” na “F” na aktres na napakamalisya naman nya para isiping ganun, kung hindi siya “at home” kasama ako, pwede naman nya ako itext, o kaya magYM lahat naman kami magkakasama sa (TV network) may mga YM ng isa’t isa at madalas kaming magusap dun. ”

Bubuwit: So sasabayan mo parin siya mag-malling?

Aktor: Bahala na, hindi naman ako may ari ng mall eh, dun ako madalas magshopping tulad nya. Maaring magkasabay pero di na siguro tulad ng dati. Disappointed ako, maging friendly ka ‘may gusto na’, wag pansinin ’suplado na’. Dont get me wrong mabait naman siya and pretty. Salamat na lang at pinaalam mo, baka mamaya mabuntis sya at ako ang iturong daddy ng bata.

Ayun naman pala eh, may “F-factor” naman pala ang aktor para sa “F” na aktres. F as in nagiging “Friendly” lang naman daw pala… ang may-asawang aktor… hahaha. O ano? sa susunod Huwag masyado maging “F” at baka mafahiya kayo sa FUBLIC… or Ma-”F” kayo ng napakasakit. O Ma-Fake kayo ng feelings nyo, ayan mga berdeng utak…

Clue pa raw kasi masyadong malawak parin daw ang tinutukoy ko. Isa siyang pasyonista (pwede sa pasyon ang boses) maganda ang katawan (kaya may “K” konti para magpa-F), pero maski na at basta feel na feel nya talaga ang “pagdikit sa kanya ng mga boys” maski nagiging “F as in friendly” lang sa kanya.

“F” nyo na ba kung sino siya? … hanggang sa susunod.

Dibdibin ba ang commercial?

October 5, 2008

Isang kilalang aktres ang napapasing kakaiba ang reaksyon kapag nakikita si Reese Witherspoon at ang kanyang commercial/ campaign tungkol sa breast cancer awareness ng isang sikat na produktong pampaganda, pinapatay nya at nililipat daw ang TV o kaya namay “unconciously” nagrereact ng kapansin-pansin na either apektado siya o naiinis.

Kaya naman siguro napapareact ng ganun ang aktres ay sa kadahilanang kinakabahan siya na masmalamang na magkaroon siya ng ganung klaseng karamdaman. Dinidibdib nya ito dahil ang kanyang dibdib ay niretoke lang. Sa sobrang dibdibang pag-aalala, nagpacheck pa siya sa isang sikat na ospital para ikumpirma na walang simtomas ang kanyang dibdib sa anumang sakit.

Isa ring rason kung bakit nya dinidibdib ang dibdibang problema ay dahil may ilang kaibigan na siya na nagparetoke din ng dibdib ang nagkaroon ng ilang problema at ang isa ay nagkabreast cancer na nga. Naku kaya naman pala masyadong dinibdib.

Eh kung gayun na lang din naman bakit di nya ipatingin ang kanyang labi at pilik-mata? Lol, uunga baka kasi magkaroon ka ng lipcancer at eye-lash cancer dahil sa pagkaka-ayos nyan. Pouty lips ba o parang tabingi ata? hahaha.

Sino nga ba ang artista madibdib na dinidibdib pa ang sakit sa dibdib? Kanta na lang tayo…

Puff, the magic dragon lived by the sea
And frolicked in the autumn mist in a land called honah lee.

Ay di nga pala type ng asawa este boypren este ex-na-nga-ba?-boypren mo yan! Oks lang yan nakapagpose ka na naman sa men’s magazine kaya ok lang.

Produkto ng Reality Star Search, Rumaraket sa Gabi!

October 2, 2008

Marami-rami na ring Reality Star Search ang lumalabas sa magkabilang magka-away na network (ABS-CBN at GMA, pati na rin sa shake your TV5. Ang mga nananalo nagkakaroon ng atleast 6 na buwang stint sa naturang network kung saan cya ay nangibabaw, at marami ding hindi pinalad na hindi man lang matandaan ang kanilang mga pangalan ngayon. Katunayan ito na hindi nyo na rin siguro matandaan ang mga datihang housemate sa mga lumang bersyon ng Pinoy Big Brother, ako nga eh kailangan ko pa halungkatin muli ang Archives ng aking blog para maturan ang mga nanalo, unang natanggal atbp.

Kaya’t di ko na rin ikinagulat na ilan sa mga naghangad maging sikat sa pagsali ng mga patimpalak na ito ay rumaraket sa iba’t ibang paraan. Tulad ng Pinoy Big Brother Season 1 ex-housemate na si Bob dela Cruz na marangal na nagnenegosyo ng mineral water delivery.

Pero may mga ilan na rumaraket sa ibang paraan, lumalabas kung gabi pero hindi nahahati ang katawan kundi ang kanilang karangalan. May mga ilan akong kaibigan na nagbalita sakin na naalukan na raw sila ng serbisyo ng isang babaeng produkto din ng isang reality search sa halagang 15 thousand hanggang 20 thousand pesosesoses, yun ay para lamang sa isang gabing serbisyo. Serbes? (Susme pang-grocery ko na yun para sa 2 linggo).

Isang “batang artista” na noon palang daw ay nababalita na rumaraket sa gabi. Pagkalipas lang daw ng ilang buwan at maubos ang raket sa kanyang network, kasabay na naubos ang pera nito dahil sa sobrang luho. Ang siste ay kokontakin ang mga kakilalang P.A. at maghahanap ng mga kaibigan na nagtratrabaho sa call-center magpa-booking. Masgusto daw nya ang mga call-center agents dahil kahit papaano siguradong medyo bata pa at may kakayanang magbayad ng “SERBIS” DAW lolz. Mabilisan lang din daw ang transaction sa mga ito di tulad ng mga D.O.M. na tumatambay sa mga kapihan sa Malate na amoy “Linement” at minsang malakas “mamburaot” ika nga ng aktres.

Naku ha, kayong mga taga-callcenter, baka naalukan na kayo nito…

Sino ba ang “aktres” na ito? Dati ba siyang Kapamilya ba sya o Kapuso? Basta, hindi siya ka-Classmate at lalong-lalo na hindi siya Miss Universe contestant.

Gaspang ng Ugali nya bakla!

September 30, 2008

Pagkagaling sa opisina, diretso ako sa istasyon ng MRT (Ortigas o Shaw) at madalas nagnanakaw ako ng tulog hanggang makarating sa huling istasyon ng Taft Ave. Marahil ay “immune” na ako sa station jingle ng MRT kaya kahit gaano siguro kalakas ang “volume” nito ay minsan lang ako maalimpungatan.

“Gaspang ng ugali nya bakla!” mga kataga na gumising sa aking pagkakaidlip sa loob ng MRT. Kasalukuyang nasa Boni Station ang tren noon nang magitla ako sa nangingibabaw na boses ng dalawang nagtsitsikahan patungkol sa isang taong marahil kilala nila pareho. Sa pagkakataong ito, medyo nawala ang aking antok dahil napansin ko ang isang bagay na nakasabit sa kanila at may tatak ito ng isang TV station. Malamang patungkol lamang ang kanilang pinaguusapan sa isa nilang ka-empleyado. Medyo humihirit din ang isa sa isa ng mga pabulong na kwento pero mabilis mong mababasa o madidinig ang kaniyang sinasambit ng palihim. Doon ko natunugan na isang artista galing sa kanilang istasyon ang kanilang pinaguusapan.

Ayon sa isang tsikadora/ empleyado, minsan daw na sinama nya ang kanyang pinsan sa taping ng “dalagang artista” sa dahilang napakalaking fan daw ang pinsan ng nasabing dalaga. IIlang eksena palang ang nashoo-shoot at practice ng ilang linya, lumapit daw ang tsikadora sa dalagang artista upang magpakuha ng picture kasama ang pinsan gamit ang camera ng kanyang cellphone. Sinagot daw cya ng “Mamaya na pwede? Kitang nagpapahinga ang tao eh”, mula daw nun di na lumapit ang dalawa at hindi na raw sumubaybay ang kanyang pinsan sa mga palabas kung san nandun ang dalagang artista. “Gaspang talaga ng ugali, bakla!” paulit ulit na halatang may kahalong inis. “Kala ko pa naman close na kami kahit konti, dahil madalas dumalaw yan sa opisina ni boss, dyusko kung alam ko lang na plastic ang NGITI nya pinagbuhol ko na sila ng P.A. nya.”

Saang TV station sila nanggaling? Bagay ang nunal sa logo ng kumpanya nila. Hindi na muna ako magbibigay ng clue kung sino ang dalagang artista na kanilang pinaguusapan, ika nga ng matatanda “Ang isda ay nahuhuli sa kanyang bibig.”

“Taft station, taft station this is the last station… Kindly check your belongings before leaving the train. Thank You.”