Diether Ocampo Lilipat na sa GMA7 Kapuso Network?

November 19, 2008

Nabasa ko kanina sa column ni Ricky Lo na lilipat na raw sa GMA 7 Kapuso network si Diether Ocampo. Isa sa top leading men sa ABS-CBN Kapamilya Network si Diet, katunayan kakatapos lang ng “Iisa pa Lamang” na pinagbidahan nya kasama ang ilang malalaki ring pangalan sa bakod ng ABS-CBN tulad ni Gabby Concepcion, Susan Roces, Joel Torre, Claudine Baretto, Angelica Panganiban, Cherry Pie Picache at Jestoni Alarcon.

Nagpadala ng text message ang PEP.Ph sa SVP for Entertainment TV ng GMA 7 na si Wilma Galvante upang tanungin ang status at kung may katotohanang pumirma si Diether sa Kapuso Network. “Let Diether make his own announcement soon” ang tanging sinagot sa kanila.

Ayon sa ulat, pumirma ng maximum 4-year contract (opo sagad pati pato) si Diether sa GMA7 noong gabi ng lunes, November 17, 2008. Unang magiging project ni Diether daw sa Kapuso channel ay ang adaptation ng hit Koreanovela “All About Eve”, kasama si Sunshine Dizon, Iza Calzado, dating kapamilyang si Eula Valdez, Jean Garcia at Richard Gomez.

Nagpaalam naman daw ang Star Circle Batch 2 Member Diether Ocampo sa mga Bigwig ng ABS-CBN. Magkikita-kita na sila ng mga dating kapamilya turned kapuso na sila Paolo Contis, Camille Prats, Jolina Magdangal, Marvin Agustin at ang bagong lipat na si Heart Evangelista.

(Maraming salamat nga pala sa Jollibee Pearl Drive sa libreng Philippine Star sa umaga paglumagpas ng Php80 ang iyong almusal)

Sharon Cuneta Mamimigay ng 3M Pesos para sa Ebidensyang Babae at Anak ni Senator Kiko Pangilinan

November 17, 2008

Lumabas sa mga pahayagan ang naging statement ng Megastar na si Sharon Cuneta na magbibigay siya ng 2M-3Milyong Piso para sa taong makapagbibigay ng ebidencya sa diumanoy babae at anak ng kanyang asawa na si Senator Francisco “Kiko” Pangilinan.

Naging maugong ang usap-usapang may babae ang senador nung mapabalitang naghiwalay ang dalawa noong nakaraang buwan kasabay ng pagtungo ni Megastar sa Hongkong.

Dagdag pa ni Miss Sharon Cuneta-Pangilinan na kung noon pa na wala siyang pera ay nakuha na nyang hiwalayan ang ama ni KC na si Gabby Concepcion, maslalo daw ngayon kung kinakailangan.

Ang naglalabasang tsismis ay hindi daw nanggaling sa industriya ng showbiz kungdi sa loob mismo ng senado. Sabagay ayon din sa aking reliable source na asawa pa nga ng isang senador ang nagtsismax sa kanya bago pa man lang ang lumabas ang intrigang hiwalayang Sharon at Kiko.

Totoong nasa edad na tayo ng teknolohiya at inpormasyon, bakit nga naman wala pang lumalabas ni isang katiting na ebidensya? Ngunit hindi tulad ng paglalabas ng mga “scandal” video at picture ng mga artista, ang babanggain mo dito ay isang politiko. Isang politikong nirerespeto ng nakararami at hinalal ng nakararami. Ang tanong, Kung meron man katotohanan ang mga isyu na ito, sinong may lakas ng loob upang makipagpalitan ng kanyang kalayaan para sa halagang 3M?

Kalayaan, dahil hindi ito simpleng isyu ng showbiz at artista kungdi isyung politikal at national ang nakasalalay na dito. Siguradong iipitin ng dalawang kampo (Senator Kiko at ang mga politikong gustong manira sa Senador) ang maglalabas ng ebidensyang magpasahanggang ngayon ay hangin parin galing sa mga bibig ng tsismosa.

Masmagulo at masmadumi ang politika mga kapamilya at mga kapuso. Kung papatulan pa ang ganitong klaseng paninira sa butihing senador, baka sa susunod ay gagasgasin na ng madalas ang showbiz ng mga politiko para sa kanilang mga kani-kanilang interest.

Pinoy Idol Wala nang season 2?

November 16, 2008

Ano tong kumakalat sa pahayagan na wala nang Season two ang Pinoy Idol ng GMA7 (hindi Philippine Idol ng TV5, ABC5 noon).  Ayon sa ulat, malaki ang nalugi ng GMA7 sa prangkisa ng Pinoy Idol. Maganda naging epekto ng “Idol” franchise sa ibang bansa sa mga channel na nag-cover ng kani-kanilang “Idol Show” kaya naman napakamahal ng pag-acquire nito.

Maraming nagsasabi na nababoy daw ang Pinoy Idol sa maraming dahilan at isa na dito ay ang kulang na ang budget para ma-operate ang mismong show. Bukod pa sa pagiging judge ni Jolina Magdangal at Ogie Alcasid na naging tampulan ng katatawanan imbis na maging seryoso sa pagpili ng mga contestant na may tunay na kakaibang talento sa pagkanta.

Marahil nga hindi naging penomenal ang paglabas ng Pinoy Idol sa GMA7, sa katunayan kailangan ko pa i-google ang pangalan ng nanalo - Gretchen Espina. LOL.  Walang makatanda siguro ng pangalan nya dahil ilang buwan na ay hindi parin nagkakakaroon ng BREAK sa GMA o sa ibang channel man lang.

Dahil hindi daw nakabawi ang naturang network sa Pinoy Idol, malamang at marahil ay maibalik ang kanilang Pinoy Pop Superstar at Starstruck show sa susunod na taon (2009).
Hmm, hindi pa pala sapat ang kita nila sa text votes? Kaya ba anim na lusis lang daw ang effects nila sa Pinoy Idol Finale?

Pinoy Fear Factor Day 1 vs Survivor Philippines

November 11, 2008

Mukhang di umubra sa ratings ang Pinoy Fear Factor sa unang araw nito sa Primetime. Ayon sa November 10, TV Ratings ng AGB Nielsen nanguna sa primetime ang GMA7 Reality Game show na Survivor Philippines na may itinalang 36.8% laban sa 26.5% ng Pinoy Fear Factor (8th).

Primetime:
1. Survivor Philippines (GMA-7) - 36.8%
2. Gagambino (GMA-7) - 34.7%
3. Codename: Asero (GMA-7) - 34.3%
4. La Lola (GMA-7) - 33.4%
5. 24 Oras (GMA-7) - 32.7%
6. My Husband’s Woman (GMA-7) - 29.3%
7. I Love Betty La Fea (ABS-CBN) - 27.5%
8. Pinoy Fear Factor (ABS-CBN) - 26.5%
9. TV Patrol World (ABS-CBN) / Dyosa (ABS-CBN) - 26.4%
10. Family Feud (GMA-7) - 23.6%

Sa aking opinyon, may mga ilang pagkakamali ang ABS-CBN sa pagmarket ng lokal na version ng Fear Factor. Una, hindi na dapat sila nagpadala sa pagsulpot ng listahan ng ilang kalahok tulad ni Phoemela Barranda at LJ Moreno. Bago pa man lang ipalabas ang primer nito noong Linggo, nailabas na nila sa kanilang press conference kung sino-sino ang kalahok. Unang elemento ng “Thrill” ay surpresa. Mano man lang panoorin ng mga tao ang unang araw nito para lang malaman kung sino-sino ang kasali. Sana di na lang muna nila ipinaalam kung sino-sino kasali. Dinaan na naman sa Bikini at Felix Bakat Trunks™.

Naging katawa-tawa at mababaw ang imahe ng “Fear Factor” nang ipasubok ang pagpapahawak sa palos, sisiw, power worms etc sa miyembro ng ASAP nung nakaraang linggo. Iba ang naging impresyon ng mga hindi pa nakakaalam sa Fear Factor.

Timing, mukhang nalunod sa kwento ng barbero ang mga consultant/ admin/ head ng PFF at nakalimutang may kalaban sila sa kabilang channel. Initsepwera nila o minaliit nila ang kalaban. May ilang buwan nang on-air ang Survivor Philippines at marami nang sumusubaybay nito at nakabuo ng kanya kanyang fans ang mga kalahok. Sana man lang ay pinatapos na lang muna ito or sinabayan sa umpisa palang ang Survivor.

Pinoy Fear Factor, oonga’t nasa Argentina sila, oonga’t mga lokal ng Argentina ang karamihan ng production staff ng PFF. Pero ang mga manlalahok at mga target market ng palabas na ito ay MGA PINOY. Bakit naman kailangang gamitin ang wika ng Argentina sa palabas na ito? Para may dating? Sus! VAMOS! Ang unang pagsubok ay ang Bariles de Turones de Mani!

Dont get me wrong. I love . Mano man lang makanti ng Pinoy Fear Factor ang ‘dating’ at istilo ng Fear Factor ng ibang bansa.

Maski na unang nakulelat ang batang Tondo na si RJ Calipus sa kanilang unang pagsubok, suportado ka ng Retzwerx brod!

Pinoy Fear Factor Participantes Official List

November 8, 2008

Pinoy Fear Factor Argentina will be hosted by Ryan Agoncillo.

Premieres November 10, 2008 (right after Betty La Fea), Pinoy Fear Factor will take the IIsa Pa Lamang Slot at Kapamilya Primetime.

The Pinoy Fear Factor version will use a format similar to Fear Factor Extreme (FFX) instead of the original “3-stunt, 1 winner per episode” format used in the American version. Pinoy Fear factor will consist of atleast 60 sets of stunts and a set number of contestants over a period of 15 weeks. Which means the show will last uppto Feabruary 2009.

Here’s the 12 Pinoy Fear Factor Official Participantes:

  1. LJ Moreno - The Daredevil Chick
  2. Phoemela Barranda - The Glam Goddess
  3. Marion dela Cruz - The Austrian Balikbayan
  4. Janna Dominguez - Ang Flawless Girl ng Dagat-Dagatan
  5. Ram Sagad - The Basketball Hunk
  6. Elmer Felix - Ang Promdi Veterinarian
  7. Gail Nicolas - si Ms. Body Beautiful
  8. Jommy Teotico - Ang Alaskador Model
  9. Bernabe ‘RJ’ Calipus Jr. - Ang Kargador Tondo Dad
  10. Manuel Chua Jr. - The Struggling Businessman
  11. Savanah Lamsen - The Ledge Dancer
  12. Jose Sarasola - The Aspiring Chef

Share this list to your friends by using the “SHARE IT” widget below or bookmark it (CTRL+D)

Judy Ann Santos, Kapamilya parin

November 6, 2008

Mukhang nagkasundo na ang ABS-CBN, Alfie Lorenzo at Juday sa nilalaman ng kontrata at napapirma na ito muli sa ABS-CBN. Kung matatandaan, nagkaroon ng aberya ang kanyang pagpirma sa ABS-CBN noong nakaraang buwan dahil sa pag-iinarte ng kanyang manager na si Alfie Lorenzo sa dahilang pagpapareview ni Judy Ann ng kontrata sa kanyang Attorney sa pagiisip nitong hindi siya pinagkakatiwalaan ng alaga.

Ngayong nakapirma na si Juday sa ABS-CBN, malamang ay tuloy na tuloy na ang kasal niya kay Ryan Agoncillo.

Karylle Padilla & Dingdong Dantes Kumpirmadong Split na!

November 5, 2008

Kinumpirma na hiwalay na sila Karylle Padilla Tatlonghari at Dingdong Dantes sa Funfare ni Ricardo “Ricky” Lo. Naging blind item at malaking usap-usapan ang noon ay tsismis palang na hiwalay na ang tatlong taong magkasintahang si DingDong at Karylle.

Pagkakaiba sa schedule at priorities ang kanilang rason at wala daw “third-party” kung saan nahihila ang pangalan ng sikat na sikat na ngayong katambal ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera. Painit ng painit ang mata ng mga tao sa dalawa lalo’t nagiging masclose ang magkatambal sa kanilang katatapos lang na teleseryeng “Dyesebel“.

Bago pa man lang maging busy si Karylle sa theater musical play na “West Side Story” nagpaschedule na diumano ang ma-ex para magpainterview ng pribado sa Philippine Star sa pamamagitan ni Ricky Lo. Kaya naman pala tunog siguradong-sigurado ang blind item ni Ricky LO nung mga panahong iyon na ito’y patungkol sa dalawa (Dingdong & Karylle).Ang pribadong interview ay hindi natuloy sa pagkansela ng ilang beses ng dalawa hanggang humantong ito sa phone interview.

Ayon sa malalapit kay Karylle ay in-denial pa ang dalaga. Kaya naman sa palaging sagot ni Karylle ay “Ok naman kami” kapag siya’y naiinterview.

Ayaw naman daw ni Dingdong Dantes magmukhang pakulo lang ang paghihiwalay para kumita ang nalalalapit niyang Pelikula kasama si  Marian Rivera sa “One True Love“.

Wowowee host Willie Revillame Nanakawan!

November 3, 2008

Kaninang umaga sa UKG (Umagang Kay Ganda), naibalita ni Alex Santos ang nangyaring nakawan sa bahay ng Noontime show Wowowee host na si Willie Revillame sa Corinthian Hills Quezon City.

Ayon kay Willie, malamang nangyari ang nakawan noong Undas dahil kasalukuyang siya’y nasa Subic. Sabado ng gabi ay tumungo siya sa Tagaytay bago dumiretso sa Subic. Mga mamahaling relo at ilang alahas at kagamitan na madaling bitbitin ang aniya’y natangay. Nabuksan din diumano ang kanyang kaha-de-yero na lalong nagpalakas ng sapantaha ng mga pulisya na nagiimbestiga na ito’y maaaring isang inside-job. May tinatayang 3 milyong piso ang nawalang kagamitan sa naturang noontime show host.

Samantala, nitong tanghali din ng Lunes natunton ng mga pulis ang kasambahay ni Willie na “nag-day-off” nung linggo ngunit hindi na bumalik nang araw na iyon at umaga ng Lunes.  Dinala si Andresa “Risa” Wenceslao kasama ang kanyang boyfriend na huling nakilala sa ngalang Danilo sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection para imbestigahan. Ang naiwan namang kasambahay na si Edna Pasague ay dinala rin sa naturang presinto upang kwetyunin.

Mariin na pinaulit-ulit ng Television host Willie Revillame na kaya siya nagbayad ng mahal para sa bahay na nasa loob ng isang “Gated Subdivision” dahil pinahahalagahan nya ang kanyang seguridad. Ngunit sa pagkakataong ito mukhang siya’y nagdududa na sa kakayahan ng subdibisyon upang panatilihin ang seguridad at kaayusan ng mga nakatira dito.

Criselda Volks Speaks out on Controversial Video

November 2, 2008

Earlier ABS-CBN “The Buzz” showed a clip of their interview with Criselda Volks.
Umamin ang starlet na siya ang nasa Criselda Volks scandal video . Criselda states “Hindi siya nagpakalat ng video (talking about her boyfriend) Mahal ko siya at mahal nya ako. It’s personal video. May iba po nagpakalat ng video na yun.”

“Sana wag ako pandirihan dahil biktima lang ako. Naawa ako sa sarili ko so sana maawa din po sila sa akin. Down na down na morale ko. Sana wag po ako husgahan dahil sa huling video na iyon, hindi po ako masamang tao.” she added.

She denied that she was using her body to get Casino Money as some tabloid writers wrote last week. Criselda says she quitted going to the Casino 3 years ago. Ms. Volks also claimed she stopped taking sleeping pills and stopped trying to kill herself (LOL).

Criselda Volks Scandal Video

October 30, 2008

[NSFW]

The last time Criselda Volks made it into the news last year (2007) after she attempted to commit suicide by drinking detergent soap and liquid bleach (hmm no wonder she’s darn too mestisa-looking, Lolz). Very controversial sexy actress. Blind item favorite as young sexy actress who frequents the casino.

And now this, an alleged video scandal inwhich everyone who saw it agrees that it was Criselda Volks whos in the video. The young lady in the controversial video was wearing a famous red English Premier league Jersey “Arsenal” or “Fly Emirates” Nike Football jersey while being abused by a “Rich Malaysian Guy” a Casino Mogul (according to our sources).

As what did Ogie Diaz wrote in his column (Phil Journal):

Kung ilalarawan ang napanood naming apat na video ay “nakakaawa” talaga si Criselda Volks.
Hindi maipagkakailang siya ’yung nasa video na nakahiga sa kama at “sinasamantala” ng isang Malaysian.
Gusto naming murahin nang bonggang-bongga ’yung lalaki, dahil “nagamit” na nga niya ’yung katawan nu’ng babae, talagang kinunan pa niya ng video.
Ginawa nitong “bading” si Criselda.
Honestly, hanggang ngayon, natutulala pa rin kami kapag naaalala namin ang video na ipinakita sa amin. Parang gusto pa rin naming maniwala na hindi si Criselda ’yon at hindi rin siya ’yung nakatuwad na babaing may maliit na tattoo sa kanang pisngi ng puwet.

Criselda Volks Sex Video Scandal Download Link

criselda volks sex video scandal download

criselda volks sex video scandal download

Next Page »