Pinoy Idol Wala nang season 2?

November 16, 2008 by Pinoy Big Blogger  Stumble it!

Pinoy Idol Wala nang season 2?

Ano tong kumakalat sa pahayagan na wala nang Season two ang Pinoy Idol ng GMA7 (hindi Philippine Idol ng TV5, ABC5 noon).  Ayon sa ulat, malaki ang nalugi ng GMA7 sa prangkisa ng Pinoy Idol. Maganda naging epekto ng “Idol” franchise sa ibang bansa sa mga channel na nag-cover ng kani-kanilang “Idol Show” kaya naman napakamahal ng pag-acquire nito.

Maraming nagsasabi na nababoy daw ang Pinoy Idol sa maraming dahilan at isa na dito ay ang kulang na ang budget para ma-operate ang mismong show. Bukod pa sa pagiging judge ni Jolina Magdangal at Ogie Alcasid na naging tampulan ng katatawanan imbis na maging seryoso sa pagpili ng mga contestant na may tunay na kakaibang talento sa pagkanta.

Marahil nga hindi naging penomenal ang paglabas ng Pinoy Idol sa GMA7, sa katunayan kailangan ko pa i-google ang pangalan ng nanalo - Gretchen Espina. LOL.  Walang makatanda siguro ng pangalan nya dahil ilang buwan na ay hindi parin nagkakakaroon ng BREAK sa GMA o sa ibang channel man lang.

Dahil hindi daw nakabawi ang naturang network sa Pinoy Idol, malamang at marahil ay maibalik ang kanilang Pinoy Pop Superstar at Starstruck show sa susunod na taon (2009).
Hmm, hindi pa pala sapat ang kita nila sa text votes? Kaya ba anim na lusis lang daw ang effects nila sa Pinoy Idol Finale?

with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add to Google Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:
Your Ad Here

Comments

Sign up at gravatar! to post your avatar! Please read the Terms of Use before posting a comment, to avoid comment deletion.





Please note: Use of a non-personal web site or blog in the field below and/or comments that are off-topic, personal attacks, or support requests will likely be removed at my discretion. By commenting here you grant me a perpetual license to reproduce your words and submitted name/web site in attribution.