PinoY Showbiz Issues This Week (November 24-30)
November 24, 2008 by Pinoy Big Blogger
Stumble it!
One True Love - 10M Daw Ang 1st Day Ticket sales?
Nadaanan namin ang Cinema 10(10 o 11) sa Megamall kanina pagkatapos naming kumain ng tanghalian ng mga kaopisina ko, para naman maginquire kung magkano ang ticket sa labang Oscar dela Hoya vs Manny Pacquiao. Napansin kong mukhang tapos na ang palabas dahil marami nang lumalabas na mga manonood ng pelikulang “One True Love” at kapansin pansin na kakaunti lang ang mga taong lumalabas. One True Flop? O One True Box Office Hit
Hmm Dahil siguro Lunes kaya ganun? O baka naman hindi pa siya Showing? LOL
Carmen Soo - Walang Boyfriend!
Nilantad ni Carmen Soo kahapon sa The Buzz na wala raw siyang boyfriend o tinatanggap na manliligaw man lang dahil puro trabaho na raw ang inatupag nya simula nang dumating siya dito sa bansa.
Hindi rin daw totoo ang pagkakaroon nila ng iringan ni Liz Uy na naging tampulan daw ng pagaaway ni Liz at Kasintahang si John Lloyd Cruz.
Boom Boom Bautista scripted lang mga laban?
Maraming nakapagsabing scripted lang daw ang pagkapanalo sa mga laban ni BoomBoom Bautista sa pagitan ng pagkatalo nya kay Daniel Ponce Deleon at sa kakatapos lang na laban nya versus Heriberto “Cuate” Ruiz.
Ayon sa mga international boxing experts, malamang ay ginawa daw ng kampo ni Boomboom na hanapan siya ng mahihinang kalaban upang manumbalik ang kanyang kumpyansa at manatili paring magtraining sa ilalim ng ALA Gym na pagmamayari ng mga Aldeguer. Nabanggit ito ng mga eksperto dahil kung tutuusin ay madaling laban lang daw si Juarte Ruiz kung maayos ang training ni Boomboom.
Isa namang local boxing expert na narinigan daw ng komentong “Di na raw magiimprove si Boom-Boom Bautista kung di daw siya magpapalit ng trainer at handler”. Ito’y pagkatapos lang ng pagkatalo ni Boomboom noong nakaraang Linggo.
Sam Milby - Nahihiya o naiinis sa desisyong i-Dub ang boses ng karakter nya sa Dyosa
Maraming nakapuna ng pagda-dub ng boses ni Sam Milby bilang “Prinsipe ng mga Kasamyan” sa teleseryeng Dyosa. May nakapagsabing nagiging mas-seryoso at pursigido ngayon si Sam Lloyd Milby na pagbutihin ang kanyang pagtatagalog. Nabulungan na rin daw siya na hindi daw magiging maganda sa kanyang career kung hindi nya matutuwid ang kanyang pagtatagalog.
San ka nga naman nakakita ng demonyito na slang ala konyow magsalita. Pepeteyin keetah kepeg hindiy mow akow sinunowd! Pahingeng adowbowng manak!!!
with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:








feelings naman si marian maganda naman pero palengkera