Sharon Cuneta Mamimigay ng 3M Pesos para sa Ebidensyang Babae at Anak ni Senator Kiko Pangilinan

November 17, 2008 by Pinoy Big Blogger  Stumble it!

Sharon Cuneta Mamimigay ng 3M Pesos para sa Ebidensyang Babae at Anak ni Senator Kiko Pangilinan

Lumabas sa mga pahayagan ang naging statement ng Megastar na si Sharon Cuneta na magbibigay siya ng 2M-3Milyong Piso para sa taong makapagbibigay ng ebidencya sa diumanoy babae at anak ng kanyang asawa na si Senator Francisco “Kiko” Pangilinan.

Naging maugong ang usap-usapang may babae ang senador nung mapabalitang naghiwalay ang dalawa noong nakaraang buwan kasabay ng pagtungo ni Megastar sa Hongkong.

Dagdag pa ni Miss Sharon Cuneta-Pangilinan na kung noon pa na wala siyang pera ay nakuha na nyang hiwalayan ang ama ni KC na si Gabby Concepcion, maslalo daw ngayon kung kinakailangan.

Ang naglalabasang tsismis ay hindi daw nanggaling sa industriya ng showbiz kungdi sa loob mismo ng senado. Sabagay ayon din sa aking reliable source na asawa pa nga ng isang senador ang nagtsismax sa kanya bago pa man lang ang lumabas ang intrigang hiwalayang Sharon at Kiko.

Totoong nasa edad na tayo ng teknolohiya at inpormasyon, bakit nga naman wala pang lumalabas ni isang katiting na ebidensya? Ngunit hindi tulad ng paglalabas ng mga “scandal” video at picture ng mga artista, ang babanggain mo dito ay isang politiko. Isang politikong nirerespeto ng nakararami at hinalal ng nakararami. Ang tanong, Kung meron man katotohanan ang mga isyu na ito, sinong may lakas ng loob upang makipagpalitan ng kanyang kalayaan para sa halagang 3M?

Kalayaan, dahil hindi ito simpleng isyu ng showbiz at artista kungdi isyung politikal at national ang nakasalalay na dito. Siguradong iipitin ng dalawang kampo (Senator Kiko at ang mga politikong gustong manira sa Senador) ang maglalabas ng ebidensyang magpasahanggang ngayon ay hangin parin galing sa mga bibig ng tsismosa.

Masmagulo at masmadumi ang politika mga kapamilya at mga kapuso. Kung papatulan pa ang ganitong klaseng paninira sa butihing senador, baka sa susunod ay gagasgasin na ng madalas ang showbiz ng mga politiko para sa kanilang mga kani-kanilang interest.

with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add to Google Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:
Your Ad Here

Comments

Sign up at gravatar! to post your avatar! Please read the Terms of Use before posting a comment, to avoid comment deletion.





Please note: Use of a non-personal web site or blog in the field below and/or comments that are off-topic, personal attacks, or support requests will likely be removed at my discretion. By commenting here you grant me a perpetual license to reproduce your words and submitted name/web site in attribution.