Wowowee host Willie Revillame Nanakawan!
November 3, 2008 by Pinoy Big Blogger
Stumble it!
Kaninang umaga sa UKG (Umagang Kay Ganda), naibalita ni Alex Santos ang nangyaring nakawan sa bahay ng Noontime show Wowowee host na si Willie Revillame sa Corinthian Hills Quezon City.
Ayon kay Willie, malamang nangyari ang nakawan noong Undas dahil kasalukuyang siya’y nasa Subic. Sabado ng gabi ay tumungo siya sa Tagaytay bago dumiretso sa Subic. Mga mamahaling relo at ilang alahas at kagamitan na madaling bitbitin ang aniya’y natangay. Nabuksan din diumano ang kanyang kaha-de-yero na lalong nagpalakas ng sapantaha ng mga pulisya na nagiimbestiga na ito’y maaaring isang inside-job. May tinatayang 3 milyong piso ang nawalang kagamitan sa naturang noontime show host.
Samantala, nitong tanghali din ng Lunes natunton ng mga pulis ang kasambahay ni Willie na “nag-day-off” nung linggo ngunit hindi na bumalik nang araw na iyon at umaga ng Lunes. Dinala si Andresa “Risa” Wenceslao kasama ang kanyang boyfriend na huling nakilala sa ngalang Danilo sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection para imbestigahan. Ang naiwan namang kasambahay na si Edna Pasague ay dinala rin sa naturang presinto upang kwetyunin.
Mariin na pinaulit-ulit ng Television host Willie Revillame na kaya siya nagbayad ng mahal para sa bahay na nasa loob ng isang “Gated Subdivision” dahil pinahahalagahan nya ang kanyang seguridad. Ngunit sa pagkakataong ito mukhang siya’y nagdududa na sa kakayahan ng subdibisyon upang panatilihin ang seguridad at kaayusan ng mga nakatira dito.
with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:








Kawawang Willie nanakawan! TSK TSK
nakaka awa c willie oo madami cyang pera pero ang lahat naman ng yun ay galing sa pawis nya sana sa mga mag nanakaw mag bago na kyo
sa mga magnanakaw mag banat kyo ng buto tulad namin d2 sa kuwait kahit anung hirap nagtitiis kami para naman ke willie ok lng yun sabi mo nga baka mas kailangan nila yun ok lng pag me nawala me babalik
Sa mga magnanakaw, hindi kayo patutulugin ng konsensiya ninyo, so pls. come out na and suko na sa mga pulis. For Willie, may God always bless you, in your show and especially in your health.
Mabuti nga kay willie na nanakawan sya dahil sobrang proud sya sa kanyang sarili at sana mamatay na sya ngayon.