Kimerald - 8 Months MU?

December 19, 2008 by Pinoy Big Blogger  Stumble it!

Kimerald - 8 Months MU?

from Pep

Sa Tayong Dalawa, pinag-aagawan ng dalawa sa pinakamainit na young actors sa kasalukuyan ang ganda ni Kim Chiu. Kasama ni Kim bilang leading men sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, na baka mag-premiere sa simula ng 2009, sina Gerald Anderson at Jake Cuenca.

“Kung in real life, pinag-aagawan nila ako, malilito ako. Feeling long hair talaga ang beauty ko!” at napatili si Kim sa sinabi.

“Seriously, na-experience ko ‘yan noong nasa high school pa ako. Kaka-transfer ko lang noon, ‘ayun, ang daming lumalapit at nanliligaw. Nakakalito talaga, kahit nga yung iba crush lang, pero grabe na ang atensiyong ibinibigay nila.”

Tahasang sinabi ni Kim na may MU [mutual understanding] nang namamagitan sa kanila ni Gerald. Very honest ang dalaga tungkol sa anggulong ito.

“Kaya imposibleng magkaroon pa ng away sa kanila ni Jake. Magkatrabaho lang kami ni Jake, although friends din kami. Iba na nga lang yung sa amin ni Gerald,” ani Kim nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Tayong Dalawa kahapon, December 17.
So, ang ibig sabihin ni Kim, walang commitment ang kasalukuyang set-up nila ni Gerald?

“Ganoon na nga yun. May understanding kami, pero puwede siyang manligaw ng iba kung gugustuhin niya, at puwede siyang magbago ng choice. What I mean is, iba ang sitwasyon kung talagang mag-on na talaga kami. Hindi ako papayag sa gano’n, kaya nga ayoko pa talagang mapunta kami sa ganoong sitwasyon,” paliwanag ni Kim.

Okey lang na ma-link pa si Gerald sa iba?

“Okey lang, kung yun ang gusto niya,” sabi ni Kim. “Kung may iba siyang gusto, e, di dun na lang siya. Ganoon lang kasimple yun. Basta ang set-up namin ni Gerald, hindi complicated. Ayaw naming paguluhin ang sitwasyon. Happy kami ng ganito. Masaya kami with each other, so ganoon na lang yun.

Walang selosan? Kahit may ma-link din kay Kim na ibang guys?

“Wala naman kasing nanliligaw sa akin!” tawa niya.

Yung tungkol kay Pauleen Luna na pinormahan daw ni Gerald, paano siya nag-react doon?

“Wala, kasi wala namang sinasabi si Gerald tungkol doon,” sagot ni Kim. “Hindi ako nagtatanong ng mga ganyan. Mayroon lang talagang isang taong nagsabi sa akin na totoo raw, na pinormahan noon ni Gerald si Pauleen. Pero wala ako sa posisyon para magsalita o maniwala.

“Kung totoo naman yun, lalabas at lalabas. Pero wala ring katotohanan kasi. Honestly, ayoko ng ganyang mga bagay na nakakalito. At ayoko rin yung parang nasu-surprise pa ako. Nagugulat na rin lang ako dahil nalalaman ko yung reaction ng Kimereld fans.”

Nagsumbong siya sa fans?

“Hindi, a!” mabilis niyang tugon. “Hindi ko ginagawa ‘yan. Sila ang nagre-react sa mga nalalaman at nababalitaan nila. Lagi ko ngang pinapaintindi sa fans, kung sino ang gusto ni Gerald, eventually respetuhin na lang.”

So, kumpirmadong walong buwan na silang mag-on?

“MU ang sabi ko, hindi mag-on!” natatawang sabi pa ng young actress. “Sabi nga ni Gerald, what you see is what you get. Yun na lang.

“I-enjoy na lang natin yung ganitong pagsasama namin, dahil okey na okey kami sa ganito. Wala kaming kaproble-problema, kaya ayaw naming pumasok sa sitwasyon na alam naming may career kaming dapat tutukan. Baka masira pa ang lahat kapag napasukan ng ganyang mga seryosong bagay,” paglilinaw ni Kim.

with your friends at Friendster, Facebook, Twitter etc.
Add to Google Add this on your site/ profile or desktop.
Related Posts:
  • No Related Post
Your Ad Here

Comments

10 Responses to “Kimerald - 8 Months MU?”

  1. Outlic on January 6th, 2009 5:13 am

    Спасибо за статью. Восхищена как всегда

  2. Lyndsay on January 9th, 2009 11:15 pm

    I’m a fan of this tandem too…cutie!

  3. cute21 on January 13th, 2009 3:54 pm

    bat di pah kasi nila aminin ydng totoo…totally fan nilah akoh….

  4. timmy on February 23rd, 2009 8:54 pm

    d yan totoo..!!1

  5. rency on March 22nd, 2009 10:39 am

    aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh ang cute ni kim akin lng sya gerald aaaaaahhhh

  6. rency on March 22nd, 2009 10:41 am

    ang pnget ni gerald

  7. rency on March 22nd, 2009 10:41 am

    joke

  8. rency on March 22nd, 2009 10:43 am

    nkakainis ka c si gerald di nman cla bgay ni kim chiu cla jake ang bagay JAKE LOVE KIM

  9. rency consigna cute on March 22nd, 2009 10:45 am

    ang sweet ni

  10. kimche on April 1st, 2009 3:08 pm

    hai nku kim..bkit pa kasi hindi nyo pa aminin……hindi kayo bagayni jake dapat talaga kay gerald remember kim..mag uuna yan sa friendship…kaya dont denay buto naman kami ehhhhhhhh sa inyo ni gerad…kimerald loveteam ay di pala kimerald lovers na…….oiiiiiiiii……….

Sign up at gravatar! to post your avatar! Please read the Terms of Use before posting a comment, to avoid comment deletion.





Please note: Use of a non-personal web site or blog in the field below and/or comments that are off-topic, personal attacks, or support requests will likely be removed at my discretion. By commenting here you grant me a perpetual license to reproduce your words and submitted name/web site in attribution.